^

Metro

NCAP suspendido sa Valenzuela City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NCAP suspendido sa Valenzuela City
Traffic signs informing motorists that the Metropolitan Manila Development Authority’s No Contact Apprehension Program or NCAP is in effect are seen along roads in Manila and EDSA-Taft in Pasay October 2, 2026.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Pansamantalang suspendido muna ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa lungsod ng Valenzuela na epektibong ilalarga na sa ibang mga lugar sa Metro Manila umpisa sa Oktubre 5.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela, nauunawaan nila ang layunin ng NCAP, pero sa kasalukuyang sitwasyon sa naturang siyudad ay hindi pa ito ang tamang panahon upang ipatupad ang nasabing panuntunan.

Una rito, noong Set­yembre 30 ay sabay-sabay na nag-anunsyo sa kanilang mga opisyal na social media account ang anim na lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City, Manila, Muntinlupa, Parañaque, San Juan, at Valenzuela na kanila ng ipatutupad ang NCAP ng MMDA.

Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na pansamantala munang suspendido ang implementasyon ng NCAP sa naturang siyudad hanggang sa susunod na abiso.

Nabatid pa na sunud-sunod ang konstraksyon at pagkukumpuni sa mga pangunahing kalsada sa Valenzuela City kung saan araw-araw ay nagbabago ang daloy ng trapiko.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with