Mayamang accla, nagka-souvenir sa baguhang actor
NAHUMALING pala ang isang acclang anak ng isang mayamang negosyante sa isang guwaping na baguhang aktor at sunod ang luho.
Eh dahil gusto ni accla na matikman ang baguhan, niregaluhan niya ito ng isang bagay na mamahalin na tanging mayaman lang ang magkakaroon nito.
Siyempre, naglulundag sa tuwa ang baguhang aktor at pumayag siyang matikman ng acclang anak ng isang mayamang negosyante.
Eh nag-iisa lang kasing anak si accla kaya nasusunod ang luho niya sa magulang!
Pero kalaunan ay tumigil na rin si accla sa baguhan nang unti-unti nang nakakagawa ng pangalan.
At least, nagkaroon ng mamahaling remembrance ang aktor sa accla na ibang aktor naman ang gustong targeting matikman!
Dennis, kayang pabagsakin si Patrick?!
NAKU, kung boxing ang labanan, ‘di hamak na kayang-kayang pabagsakin ni Dennis Trillo itong si Patrick Garcia, huh!
Natatandaan ba ninyo na nitong nakaraang mga araw eh nag-flex si Dennis ng katawan niya sa edad na 53, huh!
Feeling ba niya eh paparating na itong hanash ni Patrick laban sa asawa niyang si Jennylyn Mercado?
‘Di hamak na mas matangkad si Dennis kumpara kay Patrick. Parang DNG (did not grow) na ito, huh!
Naku, sana may mag-sponsor ng boxing match sa ex at present ni Jennylyn! Bongga ‘yun at siguradong box-office hit!
Hahaha! Matira ang matibay sa dalawa!
- Latest






















