Ashtine, bagong babae ni David

Nagkaroon ng cast reveal ang Studio Viva at Studio One last Monday, sa bubuo ng cast ng Philippine adaptation ng 2017 South Korean hit TV series na Fight for My Way.
Pangungunahan ito ng baong tambalan nina David Licauco at Ashtine Olviga kasama sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan na pamamahalaan ni Crisanto Aquino na siyang nasa likod ng hit TV series at pelikula ng tambalang Rabin Angeles at Angela Muji.
Ang nasabing serye ay naka-earmark for a November 2026 release na mapapanood on Viva One streaming platform.
JoHeart, aabangan sa araw ng mga puso
Pagkalipas ng mahigit 20 taon ay muling magtatambal sina John Prats at Heart Evangelista sa pelikula na pamamahalaan mismo ni John in his directorial film debut.
Ang nasabing reunion movie ng dalawa ay nakatakdang ipalabas sa buwan ng February 2027 at malamang maging Valentine’s offering na nataon pang kaarawan mismo ng dalawa ang Feb. 14.
Ang balik-tambalan nina John at Heart ay ipu-produce ng management company ni John, Cornerstone Entertainment.
Sa loob ng mahigit 23 years ay marami nang nangyari sa magkahiwalay na buhay nina John at Heart na pareho nang may kani-kanyang pamilya. Ang dalawa ay parehong nag-asawa nung 2015. Nauna si Heart at Sen. Chiz Escudero nung Feb. 15, 2015 sa Balesin Island at May 16, 2015 naman si John sa kanyang wife, ang actress na si Isabel Oli na ginanap sa sariling resort ng mga Prats sa Balete, Batangas.
Matapos magka-miscarriage si Heart sa unang baby sana nila ni Sen. Chiz ay hindi pa nabibiyayaan ng sariling anak ang mag-asawa.
Ang mag-asawang John at Isabel ay meron nang tatlong anak – sina Lilly Feather (10), Daniel Freedom (7) at Lilla Forest (6).
Although matagal nang hindi nagkita at nagsama sa isang project sina John at Heart, napanatili nila ang pagiging magkaibigan.
Kris, feel makasama si Ian
Ngayong unti-unti nang bumabalik ang magandang kalusugan ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ay iniisip na rin nitong bumalik sa acting sa pamamagitan ng pelikula.
Huling pelikulang ginawa ni Kris ay ang Feng Shui 2 na kanilang pinagtambalan ni Coco Martin at pinamahalaan ni Chito Roño under Star Cinema.
Nasa isip ni Kris ang actor-singer-pilot na si Ian Veneracion as her leading man sa kanyang comeback movie.
Since expert si Kris sa paghu-host ng isang talk show, dapat balikan nito ang pagkakaroon ng sarili niyang vlog on her YouTube channel lalupa’t strong ang kanyang following.
- Latest
























