PNVF nag-apologize sa Alas Pilipinas Men team
MANILA, Philippines — Inako ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang responsibilidad sa kawalan ng monthly allowance ng Alas Pilipinas Men indoor volleyball team bago sumabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Matapos ang 16-25, 25-27, 22-25 kabiguan sa South Korea sa kanilang unang laro sa Pool D ay inilabas ni team captain Bryan Bagunas ang hinaing ng Alas Men sa PNVF.
Ayon kay Bagunas, simula Hulyo ay hindi na sila nakakatanggap ng allowance mula sa PNVF.
“Sobrang nakakalungkot kasi nagre-represent kami for the country, pero ayun, hindi namin nararamdaman yung suporta na para sa amin,” ani Bagunas.
Sa kawalan ng allowance, sinabi ni Bagunas na sila-sila na lamang ang nag-aambagan para sa kanilang pagkain.
“Yung allowance namin from PSC (Philippine Sports Commission), other than that sari-sarili na,” ani Bagunas. “Minsan kami na lang ‘yung gumagastos ng lunch namin, hindi na kami umaabot sa meal eh. Kasi ‘yung training namin hindi na umaabot, alanganin sa meal time sa hotel, so ayun kanya-kanya na lang na gastos, out of pocket.”
Naglabas naman ng official statement ang PNVF kasabay ng pangakong pagbibigay ng suporta sa Alas Men at Women teams.
“President Frank Lao has personally advanced funds to address many of the immediate concerns raised by our National Teams. In particular, before their departure for the Asian Games, President Lao personally provided ALLOWANCES to the Men’s National Team. He also facilitated the necessary ticketing and visa requirements to ensure that certain members of the National Team would be available to participate in the Asian Games,” pahayag ng PNVF.
- Latest



















