Gelli, maligaya sa relasyon nina Kaila at Daniel

Mag-aapat na dekada nang aktibo si Gelli de Belen sa show business.
Bukod sa pagiging aktres ay naranasan din noon ni Gelli na maging isang recording artist noong dekada ‘90. “No’ng panahon na ‘yon na medyo nakakakanta ka, artista na nakakakanta, pwede. Ire-record mo naman, at ‘yon ang naganap. Sabi ni Boss Vic (Del Rosario), ‘Sige na, i-try mo.’ When you’re young, ang lakas ng loob mo, ang kapal ng mukha ko, so ginawa ko. Nag-enjoy naman ako in fairness to me. O Lumapit Ka of Hotdog,” pagbabahagi sa amin ni Gelli sa Fast Talk with Boy Abunda.
Taong 1995 nang masungkit ni Gelli ang Best Actress award mula sa URIAN para sa pelikulang The Secrets of Sarah Jane: Sana’y Mapatawad Mo. “That’s so integral for me and my career. When you’re at that age, ang naiisip mo lang, you want to do it well. Thank God, I’m so grateful na nagkaroon ng award because of Sarah Jane. It was such a big opportunity. Iba ‘yung feeling ko ngayon kaysa feeling ko no’ng bata ako. No’ng bata ako I was happy, I was grateful. Pero now I feel like I should have been more grateful pa. Kasi not everybody gets that opportunity eh. At that age, ‘yung magnitude of getting an URIAN was not in my mindset yet,” paglalahad ng aktres.
Mula nang sumabak sa pagiging isang artista ay palagi nang naikukumpara ang aktres sa nakatatandang kapatid na si Janice de Belen. Isa man sa mga pinakamagagaling na aktres sa bansa si Janice ay hindi kailan man pinakialaman si Gelli pagdating sa trabaho. “Superstar, siya ang Queen of soap operas. Siya si Flor de Luna, guys. It actually helped me. It helped people remember who I was. Now, it’s the work after that na you get to stay, how you sustain it. Of course, she’s my sister. Of course, she’s the superstar. Dati nga tinatanong ko si Janice, ‘Paano ka ba umiiyak?’ Sabi niya, ‘Di ko nga rin alam eh. Paano nga ba?’ Pero ‘yung process, technicality, she never meddled. Si Janice, never nangialam, kahit nga sa love life hindi nangingialam ‘yan. Bahala ka sa gusto mo, support lang kita,” pagbabahagi ni Gelli.
Suportado naman daw ng aktres ang buhay pag-ibig ng anak nina Janice at John Estrada na si Kaila Estrada. Masayang-masaya ang dalaga ngayon sa relasyon nila ni Daniel Padilla. “Yes, alam mo ba inaanak ko ‘yan. Sabi ko nga sa kanila, ‘as long as you both are happy. As long as you bring out the best in each other, happiness,’” kwento niya.
Samantala, simula Oct. 7 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Mantsa na pinagbibidahan nina Gelli, Shira Tweg, Khai Flores at Pilar Pilapil. “It’s an interesting movie. It’s a psychological thriller. Whoever is watching, ‘Anong nangyayari? Bakit ganito ‘to?’ It’s very mysterious. And who would have thought, my make-up artist (Bambbi Fuentes), BFF for like 40, 30 years, magpo-produce ng pelikula. Ito ang pelikulang ikagugulat ninyo, at mag-iisip kayo nang marami, directed by Louie Ignacio,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC
- Latest
























