Edu, muntik mapahamak kay Pangulong Marcos!

May disclaimer si Edu Manzano sa lumabas na comment niya kay President Bongbong Marcos. May nakasulat na “FAKE” ang post ni Edu dahil kung paniniwalaan ng mga makakakabasa, magagalit sa kanya ang supporters ng President.
In bold letters pa ang nakasulat na “Dalawang Klase Lang Ang Nagtatanggol kay BBM: Isang May Sayad At Isang May Sayad. Alin Kayo Sa Dalawang ‘Yan?”
Heto ang paglilinaw ni Edu: “FAKE I NEVER SAID THIS.
“Someone used my photo and name to manufacture a statement and falsely attributed to me.
“Let me be clear...I discuss issues and when necessary , the personalities responsible for them. But I speak in my own words. I do not need anyone inventing statements on my behalf.
“Criticize me for what I actually say. Challenge my views if you disagree. But fabricating quotes is not criticism, it’s deception.”
May nagpaalala kay Edu to be careful dahil marami raw masamang tao sa paligid at isa ito sa mga halimbawa. May nagsabi rin na nabiktima na naman siya at mabuti na nilinaw niya agad ang tungkol dito.
Samantala, marami ang hindi nakaalam na may anak si Edu sa Celebrity Chef na si Reggie Aspiras at nalaman lang nang mag-post si Edu tungkol sa anak nilang si Diego Aspiras na kilalang mahusay na football player.
Very proud daw si Edu na ibinalitang ang anak na si Diego ay nag-join sa Geylang International at first homegrown Filipino football player to play in the Singapore Premier League. “Today I’m sharing a few photos of him doing what he loves. As his father, I couldn’t be prouder. I know the sacrifices, the discipline and the hard work it took to get here,” post ni Edu.
JMFyang, sasalang kay Vice
Hindi na nito maaakusahan si Vice Ganda at ang Gandang Gabi Vice (GGV) na puro GMA artists lang ang igi-guest.
Sa Sunday, sa second episode ng GGV, ang magka-love team na sina Fyang Smith at JM Ibarra ang guests ni Vice.
Nang lumabas ang balitang ito, nagkaroon ng kantyawan ang Kapamilya at Kapuso fans.
May nag-react na neutral fan at ipinaalala sa Kapamilya fans na kaya tinawag na collab dahil magtutulungan ang ABS-CBN at GMA para mas makilala pa ng tao ang kanilang mga artist thru GGV.
So, sa second week ng GGV, may truce ang Kapamilya at Kapuso fans, hindi muna sila mag-aaway-away. Babalik lang ang puksaan ng dalawa sa mga susunod na guest sa GGV.
Frankie, nabinyagan agad ni Elijah!
May kissing scene pala sina Frankie Pangilinan at Elijah Canlas sa pelikulang EDJOP. Pinost ni Frankie ang photo na nagki-kiss sila habang nasa tabi ng dagat. Ang caption nito, “Unofficial @edjopthemovie gag reel.”
Nag-comment si Elijah ng “First pic was misleading for this carousel hahaha,” at sinagot siya ni Frankie ng “@elijahcanlas i gagged nga.”
Ni-like ni Sharon Cuneta ang post ni Frankie at may nag-comment na pasabog ang first movie niya dahil may kissing scene. Mag-asawa ang role nina Frankie at Elijah at natural lang ang kissing scene. Saka, nagpaka-professional si Frankie at ginawa kung ano ang nasa script.
Pinuri rin ng mga nakapanood ng EDJOP si Frankie, as a beginner, she did well.
- Latest




















