^

PSN Showbiz

Sue, pinababalik ang inang pumanaw!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sue, pinababalik ang inang pumanaw!
Sue Ramirez at Chit
STAR/ File

Ang daming natanggap na virtual hugs ni Sue Ramirez nang i-post niya ang photo nilang mag-ina na isang buwan na pala ang nakaraan nang pumanaw ito.

Caption niya: “Araw araw kitang iniisip, Mi. Isang buwan na ang nakalipas. Sobrang saya ko na palagi mo akong dinadalaw sa panaginip ko. Looking forward ako lagi matulog kasi baka andun ka. Laging nakangiti. Laging masaya.

“Hindi gumagaan yung mga luha. Habang tumatagal lalong bumibigat. Parang sakit na walang gamot. Parang problema na walang solusyon.

“We miss you so much, Mi. Alam ko nakabantay at nakaalalay ka sa amin. Nararamdaman ko mi. Andyan ka.

“Mahal na mahal kita. Balik balik ka lang sa panaginip ko ha. Kahit araw araw pa,” buong post ni Sue.

Kabilang sa mga nagpadala ng puso ay ang karelasyon niyang si Dominic Roque na na-bash kamakailan dahil diumano’y parang hindi nagluksa nang pumanaw ang ina ng girlfriend.

Mas inuna pa raw nito ang mga content kesa makisimpatya sa karelasyong actress.

CHIT

SUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with