Robi, karir na ang pagiging daddy

Nasa “daddy era” na sa kanyang buhay si Robi Domingo and he is loving it. Nag-post ito ng photos habang karga ang baby boy nila ni Maiqui Pineda.
Sabi nito, “Some people say to lessen contact naps so babies “won’t get too used to it.” But maybe it’s not about getting him used to it. Maybe it’s about getting me used to the fact that he won’t always be this small.
“So for now, I’ll let him nap on Daddy, hold on to my shirt, and soak in every little moment. He might get used to contact naps, but I’m the one getting used to having him this little.
“Because someday, I know I’ll miss this more than he ever will.”
Rayver, pumirma ulit sa Kapuso!
After Ruru Madrid, si Rayver Cruz naman ang nag-renew ng kontrata sa GMA at kahapon naganap ang kanyang contract signing.
Agad nag-post si Rayver, “Signed. Sealed. A new chapter.”
Nanguna sa nag-congratulate kay Rayver ang GF niyang si Julie Anne San Jose. “Proud of you love!!! I love you always!!!” na sinagot ni Rayver ng “@myjaps thank you love!!! Proud of us love you so much!”
In fairness, isa si Rayver sa Kapuso stars na hindi nawawalan ng project at kung wala pang regular project, naggi-guest siya sa ibang shows ng network.
Cassy at Inigo, sweet!
Gagawan nito ng issue sina Cassy Legaspi at Inigo Pascual dahil sweet ang dalawa sa photos na pinost ng Kapuso aktres sa Instagram story. Sa photos, laging magkadikit ang mga mukha ng dalawa, may wacky pose pa sila at parehong nakangiti at masaya.
Simple lang ang caption ni Cassy sa post niya at ang isinulat lang ay “No decent photos cause that’s just how we are.”
Comment naman ng fans, nothing romantic sa photos nina Cassy at Inigo, ramdam daw na friends lang sila at nagbibiruan lang. Hindi lang nabanggit kung ano ang okasyon at nagkasama ang dalawa.
Ang alam ng fans, walang GF si Inigo at walang nali-link sa kanya. Si Cassy naman, last na na-link kay Michael Sager, pero tila hanggang link lang ang nangyari.
Ashtine, pasok sa show ni Vice sa TV5
May show rin sa TV5 si Vice Ganda! Kasama yata ito sa pinirmahan niyang kontrata sa Kapatid Network.
Wala pang nabanggit na title sa bagong show ni Vice sa TV5, pero dalawa sa makakasama niya ay sina Dylan Menor at Ashtine Olviga ng Viva Artists Agency.
Kapag umere na ang show ni Vice sa TV5, isa na siya sa may pinakamaraming shows sa mga celebrity. May It’s Showtime siya na airing sa GMA 7, Gandang Gabi Vice sa GMA 7 pa rin. May Everybody Sing sa Kapamilya Channel.
May pelikula rin siyang ginagawa, ang The Greatest Showdown nila ni Vic Sotto na entry sa 2026 Metro Manila Film Festival. “Loaded na loaded siya,” may pagmamalaking comment ng kanyang fan.
- Latest






















