Ellen, sinampal ng datung ni John Lloyd

Ang generous naman ni John Lloyd Cruz sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.
As in sinampal siya ng cash ng dating karelasyon.
Aniya sa isang reel na may slow motion ng ‘pananampal’ ng salapi: “Caption this because…. Drop your best one below. May the most unhinged caption win #laro #playtime.”
Diumano’y P500,000 ‘yun.
At ganun daw dapat manampal, cash, hindi credit card, ayon sa kanyang followers. Kinukumpara na naman nila kay Derek Ramsay.
Makapal ang datung ha.
Hindi man active sa showbiz ang actor, common knowledge na maraming naipon si John Lloyd noon kaya very choosy raw ito sa mga offer na movies and teleseryes.
Ang dami raw kasing offer sa actor na pelikula – reunion movie with Bea Alonzo and Sarah Geronimo (na sinasabing preggy raw sa kasalukuyan).
Anyway, ang pinag-uusapan ngayon ay kung matutuloy ang sinasabing sitcom nina John Lloyd at Ellen.
Kamakailan ay may kumalat na post ni John Lloyd na ‘single’ na raw ito at break na sa girlfriend nitong Isabel Santos.
Pero walang nagko-comment o nagtatanong sa inactive actor tungkol dito.
Maaalalang sinabi ni Bayani Agbayani na planado na ang reunion project ng dating magkarelasyon sa GMA 7.
May nagkuwento rin na source na may pini-pitch din silang story sa inactive actor para sa reunion movie nila ni Bea ganundin with Sarah.
Pero ang importante nanampal siya ng datung.May nagkuwento rin na source na may pini-pitch din silang story sa inactive actor para sa reunion movie nila ni Bea ganundin with Sarah.
Pero ang importante nanampal siya ng datung.
- Latest






















