Gilas ipinagtanggol ni Tim Cone
MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kanyang bataan matapos mabigong makapasok sa quarterfinals ng 2026 Asian Games men’s basketball tournament sa Nagoya, Japan.
Umani ang Pinoy cagers ng 61-105 kabiguan sa kamay ng China sa huling araw ng group stage para tuluyan mahubaran ng korona.
Kailangan ng Gilas na manalo o matalo ng hindi tataas sa 37 puntos ang kalamangan ng China.
Subalit bigo ang Gilas matapos pulbusin ng China sa buong panahon ng laro.
Sinabi ni Cone na sumabak ang kanyang tropa kontra sa China bitbit ang tangkang makuha ang panalo.
“We were very aware of that, but really our intention was to come out and play our best and try to win rather than just play for the quotient,” ani Cone.
Aminado si Cone na mahirap sumabak sa isang torneo na tulad ng Asian Games nang wala ang mga key players nito.
“We came to this tournament without a lot of size or height and we knew we were going to be smaller and we knew we had to play a certain way to be successful,” ani Cone.
Malaki ang pagkakaiba ng Gilas at China na binubuo ng mas matatangkad na players.
“But against a high quality team like China and their size, it just wasn’t enough for us,” dagdag ni Cone.
Apat na miyembro ng Chinese squad ay may taas na 6-foot-11 o higit pa.
Ramdam na ramdam ito sa shaded area matapos humatak ang China ng 55 rebounds laban sa 36 ng Gilas.
Malaking tulong sana kung naglaro ang mga players na nasillayan sa aksyon sa FIBA World Cup Asian Qualifiers gaya nina Kai Sotto, AJ Edu, Carl Tamayo, Dwight Ramos at Kevin Quiambao.
Wala rin si naturalized player Justin Brownlee na siyang nanguna sa kampanya ng Gilas nang masungkit nito ang gintong medalya noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
- Latest





















