^

PSN Showbiz

Panlaban ng Australia sa Oscars, bida sina Ruby Ruiz at Maricel!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Panlaban ng Australia sa Oscars, bida sina Ruby Ruiz at Maricel!
Ruby Ruiz.
STAR/ File

Habang hindi pa tapos ang Film Academy of the Philippines sa pagpili ng pelikulang Tagalog na ipadadala sa pagpipilian sa Oscars, nauna na ang Australia.

At ang napili nila, ang First Light—ang unang full-length film ng Filipino-Australian na filmmaker na si James J. Robinson bilang entry nito sa Best International Feature Film sa 99th Academy Awards na starring ang mahusay na Pinay actress na si Ruby Ruiz (unang lumabas sa FilmInk at IF Magazine).

Kaya naman tuwang-tuwa ang mahusay na aktres.

Gumaganap siya bilang si Sister Yolanda— isang madreng Katoliko na naninirahan sa isang liblib na kumbento sa kabundukan, na ang tahimik na pamumuhay ay nagulo matapos mamatay ang isang batang manggagawa sa isang aksidente sa construction.

 Dahil sa hinalang may foul play, sinuri niya ang insidente at natuklasan ang isang malawak na sistema ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga makapangyarihang personalidad sa rehiyon at ng simbahan.

Kabilang din sa mga gumanap sa pelikula sina Maricel Soriano, Rez Cortez, at ang Philippine National Artist for Film na si Kidlat Tahimik.

Unang ipinalabas ang First Light sa 2025 Melbourne International Film Festival sa ilalim ng kumpetisyong Bright Horizons, kung saan nanalo si Robinson ng Blackmagic Design Best Australian Director Award na nagkakahalaga ng $50,000.

Sumali rin ang pelikula sa  Marrakech International Film Festival, gayundin sa International Film Festival Rotterdam, Shanghai International Film Festival, Glasgow Film Festival at New Zealand International Film Festival.

Nakatakdang ianunsyo ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang shortlist na binubuo ng 15 pelikula para sa kategoryang international feature sa December 15.

Ang limang nominado naman ay iaanunsyo sa  January 21, 2027.

Gaganapin ang 99th Academy Awards March 14, 2027.

MARICEL

RUBY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with