Sampung Gabi ng Pure Energy
Una kong napanood nang live si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa launching ng isa sa mga FM stations na naging DJ ako. (may budget ang istasyon!) Alam ko naman na iconic ang isang Gary V, pero ibang level ‘pag nakikita mo syang nagpe-perform sa harap mo. (bawal ang wa energy!)
Marami ang nalungkot nang mag-announce sya noon na ‘di na sya sasalang sa malakihang concert. Buti na lang nanalaytay sa kanyang dugo ang pagiging ultimate performer kaya ‘di nya kinakalimutan ang kanyang mga fans! (sana maulit muli.. palagi!)
Ngayong October 2026, magbabalik si Sir Gary para sa “Back At The Museum,” isang 10-night concert series na mas maglalapit sa audience sa kanyang music, testimony at energy sa isang venue na naging saksi sa maraming memorable chapters ng kanyang extraordinary career. (in fairness sa 10 nights ha! )
Special din ang naturang concert dahil isa ito sa highlights ng 40th anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na nakasama ni Gary sa kanyang journey throughout his career. (syempre with Ms. Angeli ha!)
Naka 103 shows na pala sya sa Music Museum — isang matibay na partnership na nabuo sa musika, hard work, constant reinvention at shared pursuit of excellence. (baka abutin pa ng 500 shows ha!!!)
Para kay Sir Gary, ang patuloy niyang kakayahang lumikha, mag-perform at makaabot sa puso ng mga tao matapos ang mahigit apat na dekada ay isang patunay ng God’s grace — at dahilan para patuloy niyang ibigay ang kanyang very best. (the best ka talaga sir!!!)
Ito ay Directed by Paolo Valenciano, with Mon Faustino as musical director, nangangako ang “Back At The Museum” ng 10 evenings kung saan ang spectacle ay hindi manggagaling sa laki ng production kundi sa kakaibang experience na mapanood at maranasan ang isang Gary V nang remarkably close. (dahil dyan.. close na tayo!)
Mas magiging special pa ang run na ito dahil makakasama ni Sir Gary bilang special guest ang singer-songwriter na si Kakie, formerly known professionally as Frankie Pangilinan. (may duet kaya with KC?!)
Gaganapin ang shows sa lahat ng Thursdays at Saturdays ng October. (hataw na! at wag mapagod! hataw ang galaw!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest

























