^

PM Sports

Gilas totodo na sa training

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang tigil sa ensayo ang Gilas Pilipinas upang matiyak na kasadong kasado na ito bago magsimula ang bakbakan sa Asian Games sa Nagoya, Japan.

Dumating na sa Japan ang Gilas Pilipinas na upang team mula sa Team Philippines na sasalang sa Asian Games.

Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa Biyernes kung saan makakasagupa nito ang Bahrain sa kanilang unang asignatura sa Aichi International Arena sa Nagoya.

Sunod na makakalaban ng Gilas ang Kazakhstan sa Sabado at ang huli ang China sa Lunes.

Kailangan ng Gilas Pilipinas na makakuha ng dalawang panalo para lumakas ang tsansa nitong makapasok sa quarterfinals.

Ngunit mas magiging maigi kung mawawalis nito ang lahat ng tatlong asignatura sa group stage para magkaroon ng magandang puwesto sa knockout quarterfinal stage.

Ang dalawang mangungunang koponan sa bawat grupo ang aabante sa quarterfinals.

Kaya naman desidido si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maihanda ng husto ang kanyang tropa para sa Asian Games.

Sumalang sa dalawang tuneup games ang Gilas sa Suwon, South Korea bago tumulak sa Nagoya.

Lumasap ang Pinoy cagers ng dalawang sunod na talo laban sa South Korea national basketball team.

Ngunit tiniyak ni Cone na walang dapat ipangamba dahil no-bearing naman ang mga laro.

Magandang pagkakataon din ito para masukat ang kakayahan ng South Korea na posibleng makaharap ng Gilas sa q’finals.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with