^

Pang Movies

Heart at Vice iniintrigang may isnaban!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart at Vice iniintrigang may isnaban!
Heart Evangelista at Vice Ganda

Ang fans nina Heart Evangelista ang nagpupuksaan dahil sa tsikang nag-isnaban ang dalawa sa Biyaheng Bente concert ni Yeng Constantino. Sa lumabas na photos na hindi kami sigurado kung filtered, makikitang the same row ng upuan sina Heart at Vice at ilang tao lang ang pagitan nila, pero ang sabi, nag-dedmahan sila.

Nag-iisip at nagtatanong ang netizens kung ano ang isyu kina Heart at Vic para mag-deadmahan? Wala kasi kaming maalala na nagkaroon sila ng isyu kaya malabong nag-deadmahan. Baka wala lang silang time magbatian dahil concert ‘yun na bukod sa maraming tao ay maingay pa.

Anyway, sample ng puksaan ng fans. Sa side ni Heart, may nag-comment ng “I like Heart attitude,” “Heart always,” “May 50+ active endorsements si Heart and she is known globally.”

Buwelta naman ng fans ni Vice, “Si Vice may blockbuster movie,” “Si Vice hit lahat ang projects, from movies, concert, album at TV shows.”

Hahaba pa sana ang sagutan ng dalawang kampo ng fans nang may mag-comment ng ‘Jusko mga tao super bored. Gumawa na naman kayo ng isyu, “Basta lang may mai-content,” “So, kung spotted sila? Ano ngayon? Magkaaway ba sila?” Walang sumagot sa tanong na ito.

Ayon naman sa isang neutral fan, sa pag-ere ng Gandang Gabi Vice sa GMA abangan na lang ang guesting ni Heart. Kapag nangyari ito, ibig daw sabihin, walang isyu sa dalawa.

ASAP eere ulit sa TV5!

May tsikang babalik sa noontime slot ang ASAP XP at muling mapapanood sa TV5. Ang isa pang magandang balita para sa viewers ng show, makaka-back-to-back nito ang Vibe Plus ng TV5. Ang ibig sabihin nito, eere na rin sa Kapamilya channel ang noontime show ng Kapatid network.

Ang sabi, unang eere ang Vibe Plus ng 11:00AM at susunod ang airing ng ASAPXP ng 12:30PM. Wala pang binanggit na date kung kailan ito mangyayari, pero excited na ang fans ng noontime show ng TV5 na mapapanood na ang show sa Kapamilya channel.

Mas masaya raw ang balitang ito kung matutuloy at mahabang oras nilang mapapanood ang dalawang shows ng hindi na sila naglilipat ng channel.

May nagtanong lang kung masaya raw ba si Mr. Johnny Manahan sa set up na ito? Masaya raw ba si Mr. M na eere  sa Kapamilya channel ang Vibe Plus na siya ang director?

Anyway, hintayin na lang natin ang formal announcement at doon natin malalaan kung may pagbabagong gagawin ang dalawang shows bago ang simultaneous airing sa dalawang channel.

 

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with