Edu, pagod na sa resiliency

Walang pahinga ang ulan kahapon. Kaya baha na naman ang maraming lugar sa Metro Manila at maraming karatig-lugar nito.
At kabilang si Edu Manzano sa hindi nakatiis at nagde-demand na ng accountability.
Marami kasing tanggap na ang malalang pagbaha at iba pang problema ng ating bayan, na epekto ng malalang flood control anomalies at iba pang form ng corruption.
Kaya post ni Edu:
“Filipinos are resilient.”
“Baha? Resilient.
“Trapik? Resilient.
“Pataas nang pataas na bilihin? “Resilient.
“Paulit-ulit na problema? Resilient na resilient.
“Pero baka panahon na para hindi resilience ang kailangan natin.
“Accountability naman.
“Hindi achievement ang paulit-ulit na pag-survive sa problemang puwedeng hindi naman nangyari.”
May tama naman talaga si Edu.
- Latest





















