^

Pang Movies

Host, uncooperative sa bagong show

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

TURNED off daw ang staff sa isa sa hosts ng bagong show.

Bago raw ang show, may meeting daw na nagaganap between the hosts at staff ng show.

May diva attitude ang isa sa hosts. Pagdating sa meeting, basta uupo sa isang tabi at makikinig.

Wala raw siyang pakialam kung sino ang guest. Ayaw raw niyang mag-contribute kung sino ang puwede niyang kausapin para maging guest sa show.

Ayaw raw ng host na dalhin sa show ang malalapit sa kanya. Ayaw niyang mag-initiate na siya ang kakausap sa magiging guest at ma-interview!

Imbyerna ang staff sa pagiging uncooperative ng host na may personal connection sa ibang personalities!

VMX, may dobleng pangiliti

DALAWANG special feature ang handog ng streaming app na VMX na muling magpapakiliti ng imahinasyon ng mga kliyente nito.

Una ay ang third installment ng Pinay Kamasutra mula sa director nitong si Carlo Alvarez.

Si Julianne Richards ang host ng feature na mas matapang na ngayon sa pagpapaseksi. This time, isang mapang-akit na sayaw ang ipakikita niya dahil isa ito sa talents niya!

Sa Sept. 8 naman ang streaming ng POV: Pasilip on VMX na hosted nina Lea Bernabe at Rhian Rivera.

Unforgettable moments mula sa daring films na mas mae-excite kayong silipin ang sikreto!

Dagdag na feature ang Girls’ Love nina Rhian at Lea na nakakawindang lalo na’t sa trailer pa lang ay marami na ang natakam at naglaway, huh!

Dalawang special features sa VMX na hindi nakakasawang balik-balikan lalo na’t may dagdag itong pasarap mula sa direksyon ni Carby Salvador.

CARLO ALVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with