^

PSN Showbiz

Engelbert, paborito ang Pilipinas

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Engelbert, paborito ang Pilipinas
Engelbert Humperdinck

Isang di-malilimutang gabi ang naghihintay sa mga music lover sa pagbalik sa Pilipinas ni Engelbert Humperdinck para sa The Legend Continues... Engelbert Humperdinck The Celebration Tour 2026, na magaganap sa September 25, 2026, 8:00 p.m.  sa New Frontier Theater sa Araneta City.

Ang pinakahihintay na concert ay nagbibigay sa Filipino fans ng pagkakataong maranasan nang live sa entablado ang isa sa pinakamatagal at pinakamamahal na performer sa mundo.

Sa loob nang mahigit six decades, nabihag ni Engelbert Humperdinck ang mga manonood sa iba’t ibang henerasyon gamit ang kanyang natatanging boses, heartfelt performances, at walang-kupas na repertoire.

Sa mahigit 150 million records sold worldwide, nananatili siyang isa sa mga pinakakilalang figure sa popular na musika at patuloy na umaakit ng mga manonood sa buong mundo sa kabila ng kanyang edad.

Ang kanyang remarkbale career ay minarkahan ng isang impressive collection ng mga classic hit na nanatili sa pagsubok ng panahon. Tulad ng mga kantang ng Release Me, Am I That Easy to Forget, Quando Quando Quando, A Man Without Love, The Last Waltz, at Spanish Eyes ay naging mga paboritong kanta ng mga tagapakinig sa lahat ng sulok ng mundo, na nagbigay kay Humperdinck ng pangmatagalang lugar sa kasaysayan ng musika.

Ang mga manonood sa The Celebration Tour ay maaaring asahan ang isang gabi na magbibigay-pugay sa pambihirang pamana ni Humperdinck habang ipinapakita ang sining na patuloy na nagbibigay-kahulugan sa kanyang karera.

Itatampok naman sa concert ang mga minamahal na classic  kasama ang mga piling kanta na may kaugnayan sa kanyang recent studio work, kabilang ang All About Love, na muling binabalik ang mga pinahahalagahang kanta mula sa Great American Songbook.

Ipinahayag din ni Humperdinck ang kanyang fondness sa pagtatanghal sa Asya, kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagpapahalaga sa init at sigasig ng mga manonood sa buong rehiyon at sa kanyang pagbabalik sa bansa sa September.

The Legend Continues... Engelbert Humperdinck The Celebration Tour 2026 tickets are available through TicketNet.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with