^

Pang Movies

Rufa Mae, co-prod na ni Papa P!

Gorgy Rula - Pang-masa
Rufa Mae, co-prod na ni Papa P!
Rufa Mae Quinto
STAR / File

Nakabawi sa scammer

MANILA, Philippines — Ang beauty queen at vlogger na si Lars Pacheco ang patuloy na nag-a-update sa pagkahuli ng may-ari nung Dermacare na sina Chanda Atienza at ang kapatid nitong si Vilma.

Wala pang ipinost sina Rufa Mae Quinto at Neri Naig kaugnay rito.

Sa Facebook account ni Lars ay ipinost niya ang interview sa isang negosyanteng si Freda Luz Singson na isa sa naloko nitong magkapatid na Chanda at Vilma.

Itong si Freda ang isa sa naging instrumento para mahuli ang dalawang negosyanteng nabanggit.

Mangiyak-ngiyak itong si Freda na inilahad ang pinagdaanan ng mga naloko diumano nitong taga-Dermacare. “Kinuhaan nila ako ng money. Specifically nakalagay dun sa contract nila na magpapatayo sila ng Dr. White and Glow (sa dalawang mall) na hindi naman natuloy,” bahagi ng sinabi nitong si Freda,

Nagpursige siyang tumulong para mahuli ang mga ito dahil nalaman niyang ang ibang naloko ay nagpakamatay na lang, at meron pang inatake sa puso.“‘Yun ang totoo, may nagpakamatay dahil sa ginawa nila ay nagpakamatay, tapos may naatake sa puso. Witness ako diyan.

“Dahil ‘yung nurse ko, ‘yung head ng kanyang ano na mabuti na lang walang pamilya. Ngayon, mas mahirap pa sa daga. ‘Yun ang hindi ko kayang matanggap.

“Kaya kahit nagsakripisyo ako... pera, pamilya ko nahirapan dahil hindi nila ako halos nakikita.Halos wala na akong tulog sa kaiisip kung paano makaka-survive.”

Nakakaawa itong mga simpleng negosyanteng naloko.

Totoo bang may iba pang celebrities na naloko rin nito, pero tumahimik na lang sila?

Ang suwerte pa nga ni Rufa Mae dahil nalagpasan niya ito. Nakabawi sa kanyang showbiz career, at ang dami niya ngayong ginagawa.

Nasa Amsterdam si Rufa Mae para sa shooting ng pelikulang kino-co-produce pa niya.

Ipinost ito ni Rufa Mae sa kanyang social media account. Sabi niya, “BOBOH Production, yes! In Amsterdam shooting! Directed by: Bb. Joyce Bernal!

“Finally naka-reunion kami ulit after BOOBA, Super B and Masikip sa Dibdib... Ngayon na Boboh na hahaha. 25-30 years ago na pala ang aming pelikula/series ni Joyce... dahil sa sobrang support nyo sa mga movies namin, here we are again.

“This is the beginning of my production as I co-produce with Spring Films! Wow 3 agad movies ko…SLAYIN SOON…”

Sinagot pa ito ni Piolo Pascual na isa sa may-ari ng Spring Films. “Gusto ko ung slayin (laugh emojis) sayang hindi ako nakasama. Congrats pchy lesgo!”

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with