3 international chess tourney
MANILA, Philippines — Tatlong international chess tournaments ang isasagawa sa Nobyembre kaya paniguradong puspusan ang paghahanda ng mga tigasing woodpushers sa bansa upang makipagsabayan sa mga foreign players.
Magiging abala ang Philippine chess na gaganapin ang dalawang tournaments sa Ozamiz at isa sa Quezon City.
Una ay ang 7th ASEAN Individual Championships na ilalarga sa Nobyembre 2 hanggang 10 sa Asenso Misamis Occidental Recreational and Aquamarine Park kung saan ang Open at Women’s champions ay makakakuha ng Grandmaster o Woman GM titles.
Puwede rin na norms at ang second hanggang third placers ay makakasungkit ng International Master o WIM titles o norms.
Sunod ang Misamis Occidental Philippines International Championship sa Nobyembre 10 hanggang 17 na lalaruin sa AMORAP sa mga super GMs mula sa Asia.
Si Misamis Occidental Gov. Henry S. Oaminal ang magiging host ng dalawang events katuwang ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Philippine Sports Commission (PSC) at ang ASEAN Chess Confederation at WR Chess.
- Latest























