^

Probinsiya

Bataan isinailalim sa state of calamity

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BALANGA, Bataan, Philippines — Dahil sa inabot na matinding pinsala dulot ng mga bagyo at habagat, isinailalim na kahapon sa state of calamity ang buong Bataan.

Sa ilalim ng deklarasyon, inaasahang mapabibilis ang pagpapalabas at paggamit ng kinakailangang pondo para sa agarang ayuda, relief assistance, rehabilitasyon, at iba pang suporta sa mga residenteng naapektuhan.

Sa tala, nasa 69 barangay mula sa walong bayan sa lalawigan ang direktang naapektuhan ng dalawang magkasunod na bagyo na pinalakas pa ng habagat.

Mahigit 1,700 ektarya ng pananim ang napinsala na nasa higit P56 milyon ang halaga habang sa imprastraktura ay mahigit P500 milyon bunsod nang malalakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang epekto ng sunud-sunod na sama ng panahon.

Halos 2,500 magsasaka at ma­n­­gingisda rin ang naapektuhan ang kabuhayan, habang tinatayang nasa 200 bahay ang nagtamo ng iba’t ibang antas ng pinsala habang mahigit 1,300 pamilya ang nasa iba’t ibang evacuation centers na pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan.

BATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with