Gilas Women bigo sa Canada
MANILA, Philippines — Bagsak ang Gilas Pilipinas Women sa Canada, 38-85, para sa kanilang ikalawang dikit na kamalasan sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026 kahapon sa Arena Astros sa Guadalajara, Mexico.
Nagmula ang World No. 30 Gilas Women sa mapait na 58-61 kabiguan sa No. 31 Mexico na naglaglag sa kanila sa 0-2 sa Group B.
Humakot si veteran center Jack Animam ng 11 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals, habang may siyam at walong marka sina Vanessa de Jesus at Kacey Dela Rosa, ayon sa pagkakasunod.
Tuluyan nang nasibak sa kontesyon ang mga Pinay cagers dahil sa 79-65 paggupo ng mga Mexicans sa mga Senegalese.
Ang top two teams lamang sa bawat grupo ang papasok sa semifinals.
Isasara ng Gilas Women ang kampanya sa pre-Olympic qualifiers sa pagharap sa Senegal ngayong alas-7:30 ng umaga.
- Latest


















