Wagi o salengkwang
Bago sumiklab ang mga pailaw ng Nagoya sa opening rites ng 2026 Asian Games sa Sept. 19, nakita na ang kapalaran ng kampanya ng Gilas Pilipinas.
Either nakalusot sila sa medal games na ilalaro sa Sept. 20 o naunsyami ang depensa ng gold medal na napanalunan sa Hangzhou.
Sisipa ang men’s 5x5 basketball sa Sept. 10. Kinabukasan, unang sasalang sa laban ang Gilas kontra Bahrain.
Next game nila ang Kazakhstan sa Sept. 12 at isasara nila ang kanilang Group C campaign versus China sa Sept. 14.
Unang paghahandaan ni coach Tim Cone ang FIBA World Cup Asian qualifying window late this month, bago tumodo sa Asiad preparation.
Dahil may mga players na hindi makakasalang sa Asiad, bumuo si Cone ng ibang set ng Gilas pool kasama sina Robert Bolick, Adrian Nocum, Caelan Tiongson at Sedrick Barefield. Inihintay pa ng SBP kung makakasama si naturalized player Bennie Boatwright.
Kailangan ng Gilas mag Top 2 sa kanilang grupo upang automatic na makalusot sa quarterfinals.
Malamang na Japan at South Korea ang uusad mula Group A. Wide-open race naman ang nakikita sa Group B na kinapapalooban ng Iran, Jordan, Chinese Taipei at Qatar.
Ang best two third placers mula sa tatlong grupo ang kukumpleto ng quarterfinals cast.
Magandang makahugot ng medal ang Gilas Pilipinas upang makapagbigay ng momentum sa Team Philippines na babanderahan nina Caloy Yulo, EJ Obiena at Alex Eala. Nariyan din ang medal machine ng boxing at jiu-jitsu.
Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na malalagpasan ang four-gold haul sa 2018 Jakarta/Palembang at sa 2023 Hangzhou.
Siya nawa!
- Latest















