^

PM Sports

OLFU dinagit ng Ateneo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinagit ng Ateneo ang Our Lady of Fatima University Phoenix, 71-60, sa wildcard round ng 2026 Pinoy Liga Big Dance para sa unang salang nito sa loob ng lagpas 2 buwan matapos ang trahedya sa Dipaculao, Aurora.

Sumandal sa homecourt advantage ang Blue Eagles sa Blue Eagle Gym sa Quezon City at sumakay sa 17-5 ratsada sa 4th quarter upang makaalagwa mula sa dikit na 60-57 bentahe tungo sa tagumpay.

Bumida para sa Ateneo na minamanduhan nga­yon ni interim head coach L­ouie Alas si Trevor Ro­berts na may 17 puntos at 7 rebounds habang may 12 puntos si Kieffer Alas, bunsong anak ni Louie.

“We just praised God for allowing us to play. ‘Yan lang talaga, honestly. And we’re very thankful. Thank you,” ani Alas na pumalit kay Tab Baldwin.

Nagbitiw sa puwesto si Baldwin noong Hunyo isang linggo matapos ang trahedya sa Aurora na dahilan ng pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Adili noong Hulyo 8.

Ngayong buwan, pina­tawan naman ng UAAP ng perpetual ban si Baldwin habang suspensyon ang naging desisyon sa 8 coaching at team staff sa pangunguna ni team mana­ger Epok Quimpo.

Ito ang unang laro ng Blue Eagles simula Hun­yo 6, bago sila tumulak pa-Aurora para sa taunang team building at training camp, tampok noon ang 72-52 panalo kontra sa Adamson sa 19th Filoil EcoOil Preseason Cup sa Playtime Filoil Centre sa San Juan nang si Baldwin pa ang head coach.

Sunod na makakaharap ng Ateneo, No. 1 seed sa 28-team national tourney, ang College of St. Benilde o San Pedro College of Business Administration.

Paghahanda ito ng A­teneo sa UAAP Season 89 matapos hindi alisan ng eligibility ng UAAP sa desisyon nitong nakasentro lamang sa coaching staff ng koponan.

ATENEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with