May karelasyong tibo
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Che. Mayroon akong karelasyon ngayon na kapwa ko babae. Pareho kaming tomboy, pero mas macho ang itsura niya kaysa sa akin.
Ok naman ang pagsasama namin at walang sigalot. Pero may something na parang balngko, pero hindi ko maintindihan.
Aminado po ako, na kahit may lesbian tendency ang aking pagkatao, alam ko at nakakatiyak ako may natitira pa ring pusong babae sa akin.
Sa pagbabasa ko ng Bible at pagdalo sa mga Christian fellowship, na-convict ako na mali ang ginagawa kong pakikipagrelasyon sa kapwa babae.
Ito po ay isang realization na hindi ko ma-dedma,dahil paulit-ulit na sumasagi sa isip ko, sa bawat araw.
May nanliligaw po sa akin sa church, isa sa mga kabataang church workers. Sa palagay ko may katagalan na siya sa ministry at may malawak na kaalaman at kamalayan na sa pagiging Kristiyano.
Sa obserbasyon ko po, noong una ay walang effect ang mga effort niya. Parang ok, nanliligaw siya eh, pero wala lang. Dahil wala naman talaga akong nadarama para sa kanya, kahit consistent siya.
Hindi ko po inaasahan, na darating ang araw na magkakaroon ng espasyo sa isip at sa puso ko ang mga ginagawa niyang effort para sa akin.
Habang tumatagal po kasi, napapansin ko na hindi na kumpleto ang araw ko kung wala ang presensiya niya. Mukhang nahuhulog na po ang loob ko sa kanya.
Alam niya ang relasyon ko sa gaya ko ring tipo at sinabi niya, dapat akong kumawala doon dahil hindi ‘yun ang kalooban at hindi kalugud-lugod sa Diyos ang situwasyon ko. Ngayon gusto ko nang makipag-break sa aking kinakasama.
Tama ba ang gagawin ko?
Max
Dear Max,
Ang pinakamaha-lagang hakbang ay ang pagiging tapat sa sarili at sa Diyos. Kung sa puso mo ay naniniwala kang hindi ka payapa sa kasalukuyan mong relasyon, huwag mong ipagpatuloy ito.
Hindi mo kaila-ngang manatili sa isang sitwasyon na taliwas sa iyong paniniwala at konsensya.
Mahirap ang makipaghiwalay, lalo na kung matagal na kayong magkasama, pero mas mahirap ang magpatuloy sa isang bagay na alam mong hindi ka panatag. Ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang nakabatay sa damdamin, kundi sa katapatan at respeto sa sarili.
Kung nakikita mo na ang bagong manliligaw ay nagbibigay sa iyo ng inspirasyon na lumapit sa Diyos at magbago ng landas, huwag mong pigilan ang sarili mong pag-lago.
Ang desisyon ay nasa iyo, ngunit tandaan mo na ang kalayaan ay nagsisimula sa tapang na ipaglaban ang paniniwala mo.
Dr. Love
- Latest




















