Quiboloy bibitbitin ng US Marshals
MANILA, Philippines — Kapag naaprubahan ang extradition ay posibleng ang United States Marshals ang kukuha sa founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang sinabi kahapon ni Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez kung saan umano naganap ang mga krimen.
“Most likely, US Marshals. Mayroon silang sariling eroplano at susunduin nila si Pastor Quiboloy at dadalhin sa place where the crime supposedly was committed. In this case, baka sa Los Angeles,” ani Romualdez.
Ipinadala ng US State Department ang kahilingan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas, na siya namang nagpasa nito sa Department of Justice (DOJ).
Ipinaliwanag pa ni Romualdez na “gobyerno sa gobyerno” ang pag-uusap para sa proseso ng extradition.
Idinagdag ni Romualdez na ang korte sa Pilipinas ang magpapasya kung paano uusad ang kahilingan para sa extradition.
May mga nakabinbin pa ring kaso sa bansa si Quiboloy na kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail.
- Latest




















