6 patay kay ‘Luis’, ‘Maymay’ at habagat

MANILA, Philippines — Sumampa na sa anim katao ang nasawi sa pananalasa ng tropical cyclone Luis, Maymay at habagat sa mga naapektuhan nitong lugar sa ilang bahagi ng bansa.
Sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Asst. Spokesman Diego Agustin Mariano na kabilang sa mga nasawi ay dalawang kusinero ng bulalo restoran sa landslide sa La Trinidad, Benguet habang isa pa ang nasugatan, alas-9:00 ng umaga nitong Huwebes.
Isang magkapatid ang nasawi sa rockslide naman sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules, alas-12:20 ng tanghali.
Sa ulat naman ni PNP Spokesman Col. Allen Rae Co, na isang 45-anyos na lalaki ang nalunod sa Luna, La Union habang isang 54-anyos na lalaki ang nalunod naman sa Alaminos, Pangasinan.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng masamang lagay ng panahon ay mula sa Regions I, II,, III, V, IX , BAR at Cordillera Administrative Region (CAR).
Umaabot na sa 23,946 pamilya o kabuuang 80,633 katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan.
- Latest






















