^

Police Metro

Desisyon ng korte, nirerespeto ng Palasyo

Gemma Garcia - Pang-masa

Sa paglaya ni ex-Sen. Revilla

MANILA, Philippines — Nirerespeto umano ng Malacanang ang naging desisyon ng Sandiganbayan sa pagpayag na makapagpiyansa si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa kanyang kasong malversation hinggil sa P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press officer Atty. Claire Castro na nirerespeto ng administrasyon ang mga resolusyon o desisyon ng mga korte. Ipinauubaya na rin aniya ng Palasyo sa Sandiganbayan ang pagpapasya sa kaso ni dating senador.

Dagdag pa ni Castro, nasa kamay na rin ng mga prosecutors kung ano ang nararapat na tamang aksyon o remedyo para sa nasabing order o resolution ng Sandiganbayan. Subalit dapat lang na manaig aniya ang batas at ang proseso sa desisyon.

Ginawa ni Castro ang pahayag matapos na makapagpiyansa si Revilla ng halagang P1 milyon para sa kasong malversation of funds sa Sandiganbayan.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with