Pares vendor na puro sabaw ang isinilbi, todas sa 6 kustomer

MANILA, Philippines — Isang tindero ng pares ang nasawi nang siya ay gulpihin at saksakin ng anim lalaking kustomer na nagalit dahil sa halos walang karne at puro sabaw ang kanilang inorder na pares sa Brgy. Tinga Labak, Batangas City nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima sa pangalang Anthony, 44-anyos, naninirahan sa Brgy. Sta Rita Karsada ng lungsod ay idineklarang dead-on-arrival sa Batangas Medical Center, alas-10:57 ng gabi sanhi ng mga tinamong bugbog at saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ulat ng Batangas City Police, umorder ng pares ang anim na lalaki mula sa biktima, dakong alas-10:00 ng gabi.
Gayunman, matapos kumain ay nagreklamo ang mga suspect ay ayaw nang magbayad dahilan halos wala umanong karne at puro sabaw ang isinilbing pares ng biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Dito ay pinagtulungang bugbugin ng mga suspect ang vendor habang hindi pa nakuntento ay bumunot pa ng patalim ang isa sa mga ito at pinasasaksak ang biktima.
Duguang bumulagta ang vendor habang nagsitakas ang mga suspect lulan ng kulay asul na Toyota Wigo at sa follow-up operations ay nasakote ang dalawa.
- Latest




















