^

PSN Palaro

Eala sabak agad sa practice

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sabak agad sa practice
Alex Eala.
STAR / File

MANILA, Philippines — Walang puwang para kay Alex Eala ang magpahinga dahil sabak agad ito sa ensayo nang dumating ito sa Amerika para paghandaan ang hard court season.

Galing si Eala sa mahabang biyahe mula Manila patungong Amerika.

Kaya’t agad itong nagbanat ng buto kung saan dumaan agad ito sa magagaan na workout para masigurong nasa kundisyon pa rin ang pangangatawan nito.

Kaliwa’t kanang akti­bidad ang ginawa ni Eala sa Manila kaya’t wala itong panahon para sa solidong training.

Kaya naman balik ensayo agad si Eala nang tumuntong ito sa Amerika upang mabilis na maibalik ang kaniyang magandang kundisyon.

Kailangan ni Eala na nasa perkpektong kundis­yon bago sumabak sa hard court swing dahil matinding laban ang haharapin nito.

Una na ang Mubadala Open sa Washington DC na magsisimula na sa Hul­yo 27.

Hahataw din si Eala sa National Bank Open sa Toronto, Canada sa Agosto 2 hanggang 13 at sa Cincinnati Open sa Ohio sa Agosto 11 hanggang 23.

Pinakahuli ang prestihiyosong US Open na lalarga sa huling bahagi ng Agosto sa New York.

Kasalukuyang nasa No. 28 si Eala sa WTA live rankings.

Ngunit inaasahang aangat pa ito sa oras na magsimula na ang kampanya nito sa hard court.

Desidido si Eala na makapagbigay ng magandang laban sa hard court upang mabigyan ng kara­ngalan ang bansa.

“It’s always an honor to represent our country. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan natin na patuloy na sumusuporta sa bawat laban ko,” ani Eala.

Inaasahang dudumugin ng Pinoy fans ang mga laro nito sa Mubadala Open dahil maraming Pilipino ang nakatira sa Wa­shington DC at mga kalapit na state nito.

Excited na rin ang mga nasa Toronto, Canada na mapanood si Eala ng live sa bawat laban nito.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with