^

PM Sports

Converge tumabla sa liderato sa Group A

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Converge ang guest team Ma­cau, 149-124, sa high-sco­ring game upang ma­natiling walang galos at ma­kasosyo sa liderato ng Group A sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sumagitsit ang Fiber­Xers sa second half upang makalayo mula sa dikit lang na 67-61 bentahe tu­ngo sa 25-puntos na ta­gumpay upang iangat ang kartada sa 3-0.

Trangko sa tambakan si ace center Justin Arana na tumabo ng career-high 39 points sahog pa ang 12 rebounds at 3 assists para sa FiberXers na nakasalo ang NLEX sa tuktok ng Group A.

Umayuda kay Arana sina Mikey Williams at Alec Stockton na may 16 at 15 points, ayon sa pag­ka­kasunod, habang may tig-13 markers sina Justine Baltazar at Calvin Abueva.

May 11 at 10 points din na ambag sina MJ Garcia at Juan Gomez de Liaño, habang hindi na kinailangan pa ng Converge ang pag­liyab ni import Jalen Hudson na nagtala ng 12 points, 5 rebounds at 3 assists.

“’Transition po ‘yung strength namin. Good thing, after ng huddle, na­gising po ‘yung mga ba­ta. So noong second half po namin, nandoon na ulit. Tumakbo na uli ‘yung mga bata,” ani Converge head coach Delta Pineda.

Sa katunayan ay na­ging mainit ang simula ng FiberXers, 26-7, suba­lit unti-unting hinabol ng Giant Pandas hanggang maagaw pa ang manibela sa 83-82 matapos ang lay-up ng import na si De’Vonde Perry.

Subalit doon na nagi­sing ang Converge nang magpakawala ng 27-13 ratsada upang makontrola ng laro sa 109-96 papasok sa fourth quarter.

Kumamada si Ramon Cao ng 41 points para sa Ma­cau at may 35 markers si Perry.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with