Alas target maging guest team sa PVL Invitational
MANILA, Philippines — Posibleng maglaro ang Alas Pilipinas bilang guest team sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
Naghahanda ang Alas Pilipinas para sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Ito ay matapos mapaulat na ilang opisyal ng PVL ang nais imbitahin ang Alas Pilipinas para magsilbing tuneup ito ng national team bago sumalang sa Asian Games.
Magandang pagkakataon ito para sa Alas Pilipinas lalo pa’t kailangan ng tropa ng chemistry dahil ilang linggo pa lamang itong nabuo.
Tila magiging All-Star team ang Alas Pilipinas kung matutuloy itong maglaro sa PVL.
Mayorya ng nasa pool ng Alas Pilipinas ay star players ng kani-kanyang team.
Kasama sa pool sina Jia De Guzman, Justine Yliyzeth Jazareno, Jennifer Nierva, Dawn Nicole Catindig, Mhicaela Belen, Eya Laure, Angel Anne Canino, Thea Gagate at Fifi Sharma.
Aariba din sina Vanessa Gandler, Alleiah Jan Malaluan, Amie Provido, Nina Ytang, Janette Panaga, Erika Santos, Arah Panique, Marionne Angelique Alba, Shaira Jardio, Dell Palomata, Shaina Marie Nitura at
Alyssa Jae Solomon.
Ito ang inisyal na listahan na isinumite ng Philippine Olympic Committee sa Asian Games organizing committee.
Base sa ulat, hindi muna maglalaro ang mga PVL players sa kani-kanyang teams habang nasa national team duty ang mga ito.
- Latest





















