Ashfall ng Bulkang Kanlaon, umabot na sa Cebu
MANILA, Philippines — Dalawang lungsod ang apektado ng ashfall habang umabot na rin sa bahagi ng lalawigan ng Cebu ang ashfall sa pagputok ng Kanlaon volcano kahapon sa Negros Island Region (NIR) ayon sa ulat nitong Huwebes.
Sa report ng Office of Civil Defense (OCD-NIR, kabilang sa naapektuhan ng ashfall ay ang San Carlos City, Negros Occidental ‘Canlaon City, Negros Oriental gayundin ang ilang bahagi ng lalawigan ng Cebu.
Ang mga residente ay pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan at ng mga disaster officials na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay dahilan delikado sa kalusugan ang volcanic smog na nakapagdudulot ng iritasyon sa mata, sakit sa baga, at iba pang uri ng problemang pangkalusugan.
Dahil dito ay nasuspinde ang pasok dakong ala-1 ng hapon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan maliban sa mga essentiyal at emergency services. Ang face to face na klase sa lahat ng antas ay pansamantala ring sinuspinde na ginawa munang alternative modes of learning.
- Latest





















