^

Pang Movies

Vic at Vice, may showdown

Gorgy Rula - Pang-masa
Vic at Vice, may showdown
Vice Ganda
STAR / File

Ang saya ng pakulo nina Vice Ganda at Vic Sotto para sa announcement ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

Sabi nga ni Jhong Hilario na co-host ni Vice Ganda sa It’s Showtime, parang hindi na uso ang Zoom meeting o teleconference, kundi TV conference.

Nagpapalitan na sila ng mensahe sa kani-kanilang show.

Si Vice Ganda ang unang nagsalita noong Sabado na ang sabi niya, “Nagulat ako, sabi niya ano, ‘mag-usap tayo nang masinsinan sabi sa akin ni Boss Vic.”

Nalilito na siya sa Bossing Vic at Boss Vic (Del Rosario) na baka isipin ng iba ay ang producer ng Viva Films.

“Bossing Vic ‘to ha? Vic Sotto ang tinutukoy ko, hindi Del Rosario,” sabay tawa ni Vice.

Binanggit na niya ang araw at kahapon nga ito.

Nakakatuwa ring panoorin ang ganun na ang sabi nga ni Vice Ganda, “Bukas wakasan na ang noontime war!”

Pero ang ganda pa ng title ng pelikulang gagawin nila, ang The Greatest Showdown.

Sa Martes na ang announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ng apat na script na pasok sa MMFF 2026.

Inaasahan nang kasama na rito ang The Greatest Showdown nina Bossing Vic at Vice Ganda.

Ang galing lang, ngayon pa lang ay nagsisimula na silang mag-ingay na tiyak namang isa ito sa pinakamaingay na entry kung sakaling makakapasok ito sa MMFF 2026.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with