^

Pang Movies

Pulitikong karelasyon ng aktres, nakipagtapatan sa mga troll!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagkaroon pala ng labanan ng mga troll between the management ng isang sikat at box-office star at isang mayamang pulitiko.

Ayon sa aming source, upang madismaya si aktres sa nali-link sa kanyang pulitiko, nagpakalat umano ng trolls ang namamahala sa career niya!

Pero kumontra si politician na nagpakalat din ng trolls na pangontra sa paninira sa kanya! Mayaman si pulitiko kaya may pera siyang pambayad sa trolls niya!

Pero hindi napigilan si aktres sa pakikipagrelasyon sa pulitiko dahil ginagawa naman niya ang kanyang trabaho!

Mayor Isko, walang isyu sa mga miyembro ng LGBTQ

Sinuportahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang White Party Manila  na ginanap noong Sabado ng gabi.

Pabonggahan ang guests na dumating tulad ni Vice Ganda at ibang members ng LGBTQ +++.

At natanong si Yorme tungkol sa presence ng LGBTQ+++  sa kanyang nasasakupan na siyudad.

Pahayag ni Yorme, walang bakla, walang tomboy, walang mahirap at walang mayaman sa Manila! Lahat ay pantay-pantay!

Laking showbiz si Yorme bago inagaw ng pulitika kaya exposed siya sa iba’t ibang gender.

Benjie, hindi sinundan ng mga anak

Sad to say,walang anak na susunod kay Benjie Paras bilang big time basketball player!

Ang inaasahan ni Benjie na susunod sa yapak niya eh ang bunsong si Kobe Paras! Pero sa interview ni Benjie sa kaibigang writer at host na si Dolly Ann Carval, ibinahagi ni Benjie na tatalikuran na ni Kobe ang basketball.

Maraming pumik up sa item na ito ni Dolly. Sad to say, but naging biktima siya ng mga grabber without giving her the due credit.

Iginagalang ni Benjie ang desisyon ng anak. Ganyan din ang naging desisyon ng panganay ni Benjie na si Andre Paras na kumalas na rin sa basketball at pag-aartista na ang ginagawa na napapanood sa afternoon serye na Kamao.

Minsan, ang kapalaran ng ama eh hindi kapalaran ng anak!

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with