^

Police Metro

Palparan iniharap sa pamilya ng 2 missing UP students

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Personal na iniharap ng Bureau of Corrections (BuCor) si convicted retired Philippine Army Major General Jovito Palparan sa pamilya ng nawawalang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño upang mawala na ang pagdududa na inilipat ito sa ibang pasilidad mula sa New Bilibid Prison (NBP), noong Huwebes.

Sinabi ni NBP Supt. Gary Garcia, sa isang ulat kay BuCor Director Ge­neral Gregorio Pio Catapang Jr., na ang kahilingan ay tinugunan sa parehong araw na natanggap ito. Aniya, pinayagan ang mga nagrereklamo na maki­pagkita kay Palparan nang mahigit isang oras.

Si Palparan ay nahatulan noong 2018 at hinatulan ng reclusion perpetua para sa kanyang papel sa pagkidnap at malubhang ilegal na detensyon ng dalawang estudyante ng University of the Philippines na nawala noong 2006, sa mga kasong itinuturing ng mga grupo ng human rights bilang sapilitang pagkawala.

Napatunayan sa pagpupulong nina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño, na hindi totoo na wala si Palparan sa NBP.

JOVITO PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with