^

Police Metro

Pre-trial order ilalabas sa Lunes

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate Secretary at impeachment court clerk of court Atty. Renato Bantug, Jr. na nakatakdang ilabas sa Hunyo 29, Lunes ang pre-trial order ng impeachment court.

Ginawa ni Bantug ang pahayag matapos ang limang araw na pre-trial conference noong Huwebes, Hunyo 25.

Ang pre-trial order ay maglalaman ng mga napagkasunduan ng prosekusyon at depensa sa isanagawang pre-trial conference mga “facts”, mga saksi, at mga petsa ng paglilitis.

Ang prosekusyon at depensa ay may tatlong araw o hanggang Huwebes, Hulyo 2, para magsumite ng kanilang mga komento sa pre-trial order.

Samantala, nagsara ang pre-trial conference nang hindi minarkahan ang kahon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng mga talaan ng buwis nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa.

Ipinaliwanag ni Bantug na naghain ang prosecution team ng manifestation para mabuksan at mamarkahan ang kahon kasama ang nilalaman nito.

Gayunpaman, sinabi ng depensa na nais muna nitong maghain ng komento tungkol sa manifestation.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with