^

Metro

Developer ng GoreBox, nalungkot sa Tacloban shooting

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng developer ng video game na GoreBox ang nangyaring pamama­ril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sa pahayag ni F2Games founder at GoreBox developer Felix Filip, labis siyang nalungkot sa insidente at nakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi, sugatan, at sa buong komunidad ng paaralan.Tiniyak ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Pilipinas at makikipagtulungan sa imbestigasyon alin­sunod sa umiiral na batas.

Nauna nang sinabi ng mga imbestigador na posibleng naimpluwensiyahan ng GoreBox ang dalawang menor-de-edad na suspek sa pamamaril, dahilan upang ipagbawal ng pamahalaan ang pag-access sa laro.

Paliwanag pa ni Filip, ang GoreBox ay ­idinisenyo lamang para sa mga matatandang manlalaro, may age-rating, parental controls, at mga babala laban sa karahasan.Paulit-ulit din ang paa­lala ang GoreBox ay kathang-isip lamang at hindi naghihikayat o nagtuturo ng karahasan sa totoong buhay.

GOREBOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with