Fyang, napa-oo ni JM!

Dahil nalalapit na ang Star Magical Prom, uso ngayon ang promposal among Star Magic male stars para sa girl na gusto nilang maka-date sa nasabing ABS-CBN event.
So far ay nakapag-propose na si JM Ibarra kay Fyang Smith, si Joaquin Arce kay Lella Ford at si Miguel Vergara kay Eliza Borromeo.
In-upload ng Star Magic sa kanilang YouTube channel ang promposal na isinagawa ng tatlong young actors at kilig na kilig naman ang kanilang fans.
Si JM ay sa gitna ng dagat nag-propose habang nasa yacht cruise sila ni Fyang na aniya’y talagang plinano niya at pinaghandaan.
Makikita sa video na walang alam si Fyang sa kanyang surprise at naka-blindfold pa siya sa pagpasok sa yate.
Nang alisin ang blindfold ay nagulat siya na nasa yate siya at ang unang tumambad sa kanya ay si JM na may hawak na cardboard na nagsasaad ng “prom date tara?”
Nagulat si Fyang sabay-sabing “Ay wow!”
Makikitang may pa-balloons, heart flower and dinner setup pa si JM para kay Fyang.
Siyempre, ‘yes’ naman ang sagot ng aktres sa promposal ng ka-loveteam.
Kakaiba rin ang promposal ni Joaquin sa kayang former housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nag-book siya ng isang buong sinehan at inimbitahan niya ang dalaga na wala ring kamalay-malay sa mga magaganap.
Nagulat si Lella na hindi naman pelikula ang kanilang panonoorin kundi isang special video tribute tungkol sa kanya.
Maya-maya nga ay lumapit na sa kanya si Joaquin with a bouquet of flowers at ang cardboard na nagsasaad ng “Will you be my promdate?”
In a heartbeat, ‘yes’ naman ang sagot ni Lella.
Kinilig din ang LizGuel fans sa promposal ni Miguel kay Eliza sa isang private resort kasama ang iba pang mga ex-housemates sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
Wala ring kaalam-alam si Eliza na may pinaplano palang surprise sa kanya si Miguel.
In fairness, nag-effort din talaga ang young actor sa kanyang setup sa room na habang naglalakad si Eliza ay maririnig ang recorder message niya.
“‘Di ba ‘pag tinatanong ako [kung] ano ang pinaka-naaalala ko sa bahay ni Kuya, my answer will always be the people. It’s just so happened that my favorite person that I got to know was you,” sabi ni Miguel sa mensahe.
Hanggang sa nagpakita na si Miguel at tinanong na nga si Eliza kung pwede ba siyang maging date sa prom at nag-yes naman agad ang young actress.
Anyway, gaganapin ang Star Magical Prom ngayong June 26.
- Latest























