^

PM Sports

TNT, Ginebra agawan sa PBA crown

John Bryan Ulanday - Pang-masa
TNT, Ginebra agawan sa PBA crown
Muling sasandal ang TNT Tropang 5G kay import Chris McCullough laban sa Barangay Ginebra sa Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Game Seven.

Dalawa sa pinaka-a­la­mat na kataga sa sports tampok ang ilang pahina ng kasaysayan na mauukit sa pagitan ng reigning champion Talk ‘N Text at Barangay Ginebra ang magliliyab ngayon sa kaabang-abang na Game 7 ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals ngayon sa Mall of Asia Arena.

Sisiklab ang giyera sa alas-7:30 ng gabi para sa ikalawang sunod na Game 7 ng kanilang rivalry matapos ang tagumpay ng Tropang 5G sa overtime noong nakaraang taon.

Nauwi sa huling du­welo ang best-of-seven titular showdown matapos ang 98-90 tagumpay ng TNT kontra sa Ginebra sa Game 6 sakay ng 53 puntos ni Chris McCullough.

Doon ay dinaig ni McCullough ang 52 puntos ni Justin Brownlee matapos unang umiskor ng career-high na 54 puntos sa 100-95 OT win ng Ginebra sa Game 5.

Ito ang unang pagkakataon na nakaiskor ng 50 puntos o higit pa ang magkalabang import buhat noong Game 4 ng 1989 Reinforced Conference sa pagitan ng San Miguel (150) at Añejo (136) tampok sina Carlos Briggs at Ennis Whatley na kumamada ng 60 at 50 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Subalit ngayong Game 7 ay kakailanganin ng 2 super imports ang tulong ng kanilang mga local crew upang makumpleto ang samu’t saring misyon.

Aalalay kay Brownlee sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt, Troy Rosario at RJ Abarrientos kontra kina Roger Pogoy, Jordan Heading, Rey Nambatac at Kelly Williams.

Wala pang kasiguruhan ang pag­lalaro nina Calvin Oftana, Brandon Ganuelas-Rosser at Jayson Castro.

 “In our board, we put there ‘96 minutes’ encircled in a heart. We said let’s play the best 96 minutes of our lives — Game 6 and Game 7. And now, we’ve done the first half of that,” ani Reyes.

Nakataya kay Reyes ang ika-11 na titulo para sa kanya at sa TNT habang ika-16 na titulo naman sa Gin Kings at ika-26 na korona ang posible para kay Cone. 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with