OPM con generations, sinugod ang tiket!

Lalong umigting ang pagkasabik sa OPM Con Generations ng Puregold noong Hunyo 12, nang sumugod ang mga kalahok na tindahan ang napakaraming tagahanga sa unang araw ng pagbebenta ng tiket.
Nakatakda sa Hulyo 12 sa Smart Araneta Coliseum, isang kaabang-abang na selebrasyong pangmusika ang OPM Con Generations. Sa ikatlong taon ng taunang konsiyerto, itatampok ang SB19, Ben&Ben, at Alamat, sina Flow G at Skusta Clee, ang Sunkissed Lola, G22, KAIA at Xona – pinagsama-samang iba-ibang talento at genre na kasalukuyang humuhubog sa lokal na industriya ng musika sa Pilipinas.
Kabilang ang mga sumusunod na lugar na mayroong mga tindahan ng Puregold na kalahok sa ticket redemption: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, QC; Cubao, QC; Fairview Terraces, QC; Tayuman, Manila; Parañaque; Kalentong, Manila; Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Isa sa mga kauna-unahang nakakuha ng tiket si Beverly Jane, isang A’TIN na nagkampo sa Puregold QI Central kasama ang mga kapareho niyang tagahanga, isang gabi bago ang pagbubukas ng ticket redemption.
Sa kabila ng mahabang paghihintay, nabanggit niyang inalagaan ang mga dumalo – binigyan ng pagkain, inumin at maayos na espasyo kung saan puwedeng maghintay ang mga nakapila.
Ipinakita ng unang araw ng pagbebenta ng tiket ang suporta rin ng mga Pilipino sa OPM Con Generations. Mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga tagahanga, na nahikayat ng lineup ng OPM Con, na pasok sa malawak na mga hilig at kasaysayan bilang music fans.
Sa pagdaan ng mga taon, naging plataporma na ang OPM Con sa pagsasama-sama ng mga talento, tagapanood at mga fandom, bilang pagdiriwang ng talento ng mga Pilipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.
Sa edad na 62, ipinagmamalaki ni Suzette Santiago ang pagiging fan ng SB19. Isang masugid na tagasuporta ng grupo mula pa noong 2024, ibinahagi niya na ang pagiging fangirl sa grupong P-pop at pagdalo sa mga selebrasyon ay malaking tulong sa pagpaparamdam sa kanya ng sigla ng kabataan.
Samantala, nagpapasalamat din si Arnel Lamber, na pumunta rin noong gabi bago ang bilihan upang maagang makapila, sa mga ganitong inisyatiba na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagasuporta na makita ang kanilang mga hinahangaan. Bukod sa kaniyang mga napamiling groseri, nakakuha rin siya ng tiket sa OPM Con Generations, at sabik na siyang dumalo sa selebrasyon.
- Latest























