Chavit, inaresto sa cyberlibel

MANILA, Philippines — Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson dahil sa kasong cyberlibel nitong Huwebes ng hapon.
Batay sa ulat, alas-1:18 ng hapon nitong Huwebes nang arestuhin ng mga operatiba ng Eastwood/Libis Police Station (PS 12) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Maria Rosario Calusor si Singsong, 84, sa kanyang tirahan sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City.
Si Singson ay may nakabinbing natitirang Warrant of Arrest (WOA) para sa paglabag sa Republic Act No. 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012, na inisyu ng Branch 21, Regional Trial Court (RTC), Vigan City.
Nasa kustodiya na ngayon ng PS 12 ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
- Latest






















