^

Punto Mo

‘Himala’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ang aga mong umuwi?” tanong ni Nanay na takang-taka. Wala pang alas diyes ng umaga.

“Na-late po kasi ako sa klase. Pasado alas otso po ako nang lumabas sa simbahan dahil nagdasal ako. Hindi ko po namalayan ang pagdaan ng oras. Bumili na lamang ako ng gamot para kay Tatay.”

Napatangu-tango si Nanay.

“Kumusta si Tatay, Nanay?”

“Okey naman. Napaliguan ko na siya.”

“Kumusta po ang pakiramdam?”

“Maayos naman.”

“Salamat sa Diyos,” nasambit ko.

“Di ba bukas kukunin ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya?”

“Opo Nanay. Paglabas ko sa klase bukas, daraan ako sa clinic ni Doc at kukunin ang results.”

Napabuntunghininga si Nanay.

Kabisado ko ang buntunghininga ni Nanay—may pangamba at pag-aalala.

Kahit hindi siya magsalita, alam kong nangangamba siya sa maaring resulta ng tests. Nakita ko iyon sa kilos ni Nanay.

Pero ako, malakas ang aking paniwala na may himala. Naniniwala ako na dininig ng Diyos ang aking panalangin. Tinanggap na ni Tatay ang aking hinihiling sa Maykapal. (Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with