Curlee Discaya inaresto na sa Senado
MANILA, Philippines — Inaresto na kahapon ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya matapos magpalabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC) ng Malolos City, Bulacan kaugnay sa non-bailable na kaso na malversation of public funds.
Ipinasa ng Senado ang kustodiya ni Discaya sa mga personnel ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na halos siyam na buwan na nakulong sa Senado matapos ma-contempt dahil sa pagsisinungaling.
Noong nakaraang linggo ay naghain ng kasong graft at malversation complaints ang Office of the Ombudsman laban kina Curlee at kanyang asawang si Sarah Discaya at walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa maanomalyang flood control project sa Calumpit, Bulacan.
- Latest















