Robin at Jonvic nagkatulakan

Pinipigilang pumasok ang 18 ex-Marines…
MANILA, Philippines — Nagkatulakan at nagkapisikalan sina Senador Robin Padilla at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Senado matapos subukang umanong harangin at pigilang makapasok ng kalihim sa session hall si Senadora Pia Cayetano sa lobby ng Senado nitong Huwebes ng umaga.
Nangyari ito nang sinundo ni Sen. Pia ang ilan sa 18 ex-marines sa may lobby ng Senado na inimbitahan para dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa maanomalyang flood control projects.
Sinamahan ni Padilla si Cayetano at nanguna sa paglalakad ng grupo papunta sa may elevator kung saan nakasalubong nila si Remulla.
Nagkatulakan ang nagkasalubong na sina Padilla at si Remulla na sa kumalat na video ay mistulang pinipigalan ang pagpasok ng grupo. Matagumpay namang naipasok sa plenary hall ang mga ex-Marines at kung saan ginanap ang pagdinig.
Nang tanungin si Remulla kung balak niyang harangin ang mga senador at ang mga dating marines, sinabi ni Remulla na solo lamang siya at pauwi na sana at wala naman siyang kasamang “police force” na manghaharang.
Naglalakad lamang aniya siya nang biglang sumulpot ang grupo at sinumulan siyang itulak.
Bagaman at sinabi ni Remulla na pauwi na sana siya noong umaga muli siyang nakita sa ikalawang palapag ng Senate building, ala-1:31 ng hapon na kausap naman si Sen. Loren Legarda sa may elevator.
Maririnig na tinanong ni Legarda si Remulla kung abogado ito at sinabi pang ipapalipat niya isa sa mga kasamahang senador upang maging 13 ang bagong majority bloc upang matapos na ang problema.
“Tapos magbotohan legal na sila. ‘Di ba tama?” sabi ni Legarda kay Remulla na sumagot naman ng: “That sounds better.”
Sinabihan din ni Legarda si Remulla ng: “next time you come to my office” na sumagot ng “okay.”
- Latest



















