Nurse plinastik, 13 beses sinaksak!
MANILA, Philippines — Karmula-dumal ang ginawang pagpatay sa isang lalaking nurse makaraang pagsasaksakin ng 13 beses habang nakabalot ng plastic ang katawan at nakagapos ang mga paa sa Bangued, Abra nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima ng karumaldumal na krimen na si Tam-jay Colet, residente ng Brgy. Tumalip, Licuan-Baay ng lalawigang ito.
Ayon sa pulisya ang biktima ay may mga tamang 13 saksak sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Sa report ng Abra Police ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng isang concerned citizen na inabandona sa isang bakanteng lote sa nasabing lugar.
Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya sa lugar matapos na matanggap ang report sa natagpuang bangkay ng biktima.
Base sa imbestigasyon, ang bangkay ay nakabalot ng pantakip sa motorsiklo, at plastic bag ang katawan habang nakagapos din ang mga paa nito na pinuluputan ng packaging tape.
Narekober din ang isang kulay asul na motorsiklo na nakaparada sa tabi ng bangkay ng nasabing biktima na hinihinalang pag-aari nito.
Kasalukuyan nang prinoproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang crime scene upang maghanap ng ebidensya na makatatulong sa pagresolba sa krimen.
- Latest
















