Gabbi Garcia, pinakikilala ang duo sa PBB

Ang Kapuso It Girl ni Kuya na si Gabbi Garcia na nga ang pinakabagong houseguest na pumasok sa Bahay ni Kuya. Ilang araw ring pinag-usapan kung sinong Kapuso housemate ang madadagdag. Kaya laking gulat ng lahat kahit na mismong si Gabbi, dahil siya pala ang papasok.
Ilan sa mga magiging task ni Gabbi ay maipakilala pa sa taumbayan ang housemates kabilang na ang mga unang nominadong duo ngayong linggo na sina AcLey (Ashley Ortega at AC Bonifacio), RaMi (Ralph De Leon at Michael Sager), at WilVer (Will Ashley at River Joseph).
Anu-ano pa kaya ang ipapagawa kay Gabbi? At ano pa kaya ang malalaman niya sa loob ng Bahay ni Kuya? Huwag kalimutang iboto ang duo na nais mong maligtas ngayong Linggo.
Para sa iba pang detalye, tumutok na sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition gabi-gabi 10:00 p.m. sa GMA Prime.
- Latest