^

PSN Showbiz

Sikat na aktres, pinagdamutan ng endorsement ang miyembro ng glam team

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

SIMULA na ng kampanya this weekend para sa tumatakbo sa lokal na posisyon.

Sa ganitong panahon, naalala namin ng isang bahagi ng glam team ng isang sikat na babaing artista na matagal na ring naglilingkod sa kanya.

Nahilingang tumakbo bilang board member sa kanilang probinsiya si member ng glam team ng aktres. Naisip niyang humingi ng endorsement sa sikat na artista dahil kilala ito sa kanilang lugar at alam na sa kanya siya nagtatrabaho.

Nang sabihin ni glam team member ang request niya sa artista na bigyan ng endorsement, nanlumo siya nang tanggihan siya ng sikat na artista, huh! Kung anu-ano raw ang sinabing dahilan ni artista pero in short, ayaw!

Walang nagawa si glam team member sa pagtanggi ni sikat na artisa. Hindi niya akalaing wala pa lang silbi ang ilang taong pagseserbisyo niya kapalit ng simpleng endorsement!

Nagsikap sa pangangampanya si glam team at nagwagi naman sa posiyon. Umalis na lang siya sa glam team ng sikat na aktres at namuhay na sa probinsiya na ngayon eh inaawitan na tumakbong vice mayor ng probinsiya nila, huh!

Marian, 50/50 pa sa 3rd baby

GUSTO ni Dingdong Dantes na magkaroon na sila ng third baby ni Marian Rivera. Sinabi ito ni Marian sa interview niya kay Karen Davila.

Pero kung si Yan ang tatanungin, nasa 50-50 pa ang desisyon niya, huh!

Eh alam naman ninyo si Marian, kapag gusto niyang gawin ito, 100 percent dapat ang desis­yon niya nang walang halong alinlangan.

Dalawang anak na ang naranasan ni Yan kaya alam niya ang hirap at pag-iingat na dapat gawin para paglabas ng bata eh normal at maayos ito.

Aba, pag nagbuntis si Yan, naku pahinga ulit siya sa trabaho! Paano na ang kontrata sa GMA?

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with