Kathryn, ayaw nang ma-link kay Alden, kahit kay Donny?!

In all fairness kay Kathryn Bernardo, parang wala na ang pagiging sakang niya nang rumampa sa Bench Body of Work. Para na siyang model talaga.
Hinarap na noon ng actress ang bashers tungkol sa bow legs daw niya.
Aniya that time, hindi siya nabo-bother kung sabihan man siyang sakang.
Over the years daw ay natutunan na niyang tanggapin ang kanyang legs na hindi straight na parang parenthesis na parte na raw ng pagkatao niya.
Pero aniya nao-offend siya sa tuwing sasabihin ang mga pamimintas na ito sa kanya.
Mag-jowa pa sila noon ni Daniel Padilla na nagturo raw sa kanya upang malampasan ang kanyang insecurity.
Kaya aniya that time nagwo-workout siya para ma-exercise ang legs na sa totoo lang ay mukhang nagbunga naman.
Ngayon walang maipintas ang bashers sa kanyang pagrampa na pinag-aralan niyang mabuti at nag-train sa mga coach ng beauty para sa kanyang Kathwalk.
Anyway, ba’t kaya may mga nakakapansin na parang umiiwas si Kathryn na makitang nagkakaroon ng interaction like dun sa presscon ng Pilipinas Got Talent ng kapwa niya judge na si Donny Pangilinan na parang ganundin daw ang nangyari sa kanila ni Alden Richards onstage nitong Bench Body of Work fashion show.
Kumalat nga na nag-isnaban sila pero sa backstage ay may resibo na nag-usap sila.
Mariel, pinasyal ang mga anak habang nasa Netherlands si Robin
Naaksidente pala ang sasakyan ni Sen. Robin Padilla sa Netherlands.
Ayon sa kanyang post sa social media.
“Maraming Salamat po Ya Allah sa pagligtas ninyo po sa amin sa isang tiyak na kapahamakan,
“Alhamdulillah rabil aalameen
“Hindi namin napansin ?sang kisapmata binangga Kami sa aming gilid subhanaAllah naging steady lang si kapat?d na Dindo sa manibela Hindi Kami gumewang o tumama sa island kundi tataob Kami Astigfirullah
“Patawarin niyo pa Kami sa aming mga kasalanan,” buong post ng aktor/pulitiko.
Habang nasa Netherlands, makikita naman sa mga post ni Mariel na pinapasyal niya ang mga anak nila sa Bangkok, Thailand.
- Latest