^

Probinsiya

Slovakian national ni-rape, pinatay sa Boracay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang Slovak national sa isang abandonadong chapel sa Zone 3, Sitio Pi­naungon, Brgy. Balabag, Boracay Malay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23, residente ng Hennan Lagoon Resort.

Sa impormasyon ng PNP, naiulat na nawawala si Mickova noong Lunes, Marso 10, at natagpuan lamang nitong Miyerkules, March 12, 2025.

Ayon sa rumes­pondeng pulis, wala nang suot pang-­ibaba ang biktima nang matagpuan ng mga residente at pulisya. Nabubulok na rin ang katawan  nito.

Pinaniniwalaang ginahasa rin ang biktima. Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa naturang insidente habang patuloy na inaalam ng Malay Municipal Police Station ang sanhi ng pagkamatay ng dayuhan.

AKLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with