P3.4 milyong shabu nasamsam ng PDEA
COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis ang P3.4 milyon halaga ng shabu mula sa isang drug dealer sa isang entrapment operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Matampay, Marawi City.
Kinumpirma ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagkakaaresto ng isang shabu dealer na hindi pumalag nang arestuhin ng mga otoridad na kanyang nabentahan ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 milyon, sa isang lugar sa Purok 4 sa Barangay Matampay.
- Latest